<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/672715422643651006?origin\x3dhttp://samsterscliqueclan.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>


Welcome!

SAMSTERS CLIQUE CLAN
A sub group of Samsters that mainly connect fans through cellular phones. While they cannot use online, they can keep in touch on us through joining here. Text if you wanna join.
09061818544 - Globe
09216220707 - Smart
09228238566 - Sun

About Us

Sam Concepcion was the main cause of this entire undergo. We are filled of intent to be one of his fans. Lately, just to recognize us, as we are his supporters, on the date April 20, 2006, we were gone astray perceiving, what if we will make a fans club that will really be effective, and we want to experience such this. So we stood up our co-friends that were Samsters too. Samsters: a collectively word used to describe Sam Concepcion Fans.

Say what?



Credits

Designer: Wyona
Editor: Cez
Images: Cyworld
Host: blogger | photobucket
Pixels: GG | Happyy-stop
Reference: blogskins



Past

kitakitz!
Sam Concepcion to sing “Kung Fu Panda” theme song
Candidates
‘Enchanting Teens Musical’ at Enchanted Kingdom
Schedule For May
Sam on Candy
Trivias 11 - 20

Trivias 1 to 10
Musical or Plays


SM Dasma Album Tour: “Moms Day & SCC Cavite Encounter”
Wednesday, May 14, 2008

At last another event we’ve been waiting for, lalong-lalo na ng mga taga-Cavite. It’s been months na din ng last na tour ni Sam sa SM Bacoor naman, and it was really great! Sold out ang album niya dito sa Cavite sa Bacoor. We can say, there are so many supporters from all-over Cavite, and I’m proud to be one of Kabitenyos.

It was then last May 11, 2008, sabay pa ng Mothers Day. This event, di dapat pinapalagpas dahil minsan lang pumunta si Sam ng Cavite. Anyway, siguro mas madami pang pupunta kung di na tapat sa Mom’s Day. Ganun na nga! Bago ako umalis ng aming bahay, inuna ko muna ang pagsisilbi ko sa aking ina. Sweet diba? Nagbigay kami ng card at rose for her, kaya naman nakuha naming ang oo niya sa pagpunta naming sa SM Dasma. At di ko pinalagpas ang pagbibigay din ng Moms Day gift sa tanging ina ng ating idol, si Tita Gene. Sinikap kong pumunta muna ng backstage para maibigay ang mga iyon dahil sa mga ilang oras na natitira ay baka mawalan na ako ng oras dahil aasikasuhin ko pa ang mga SCC Cavite. Mga bagong salta ang mga ito at ngayon ko lang sila ma-meet.


SCC Smart


SCC Globe

Ang simula ng lahat…



Alas dos imedya na kami nakarating ng kapatid ko mula sa Rosario, Cavite. Excited na naman ako makita at makatandem ang mga SCC. Alam kong isang baranggay na naman kami doon. Ang mga SCC na pumunta ay sina Aliah, Cheska, Ecca, Sai, Sammae, Jhaja, Neanne at Tricia (mga globe users). Pati nadin ang mga active padin sa smart na sina Rain, Regene, Matthew at Marlyn kasama ang kanilang mga kaibigan na sasali narin daw sa SCC. Diba, one big team nanaman kami nito. Sayang nga at di nakasama ang mga taga-Manila dahil daw malayo at Moms Day, kaya solo ko. Lol! Bago paman ako dumating ay pina-alala ko na sila na mag-reserve ng upuan para sa mga SCC na pupunta. Galing talaga, masusunurin sila, kaya naman nakaupo kami sa gitna sa first row kung san kitang-kita naming si Sam. Di ko pinaawat ang pagkikipag-picturan sa mga bagong SCC para naman maalala ko ang kani-kanilang faces. Excited na silang lahat, unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga pamilya ni Sam, 24 beat dancer at si Sam. Wow! Boy teen in violet ang outfit ni Samuel ngayon, I love it! Mga ala-sais na nagsimula ang show na ito. Madami padina ang nagpunta kahit madami na ang nagpunta sa nakaraan noong SM Bacoor. Di padin papipigil ang mga taga-Cavite, labs na labs talaga nila si Samuel. Mga ilang sandali pa ay nagsimula na ang show, pinagunahan ng 24 beat dancers (apat lag sila ngayon). At nang lumabas na si Sam, sigawan ang lahat, ayaw talaga paawat, ang mga bonggang fans ay nagsilapitan at nagtatayuan kaya naman di makaka-kita yung ibang nasa likod. Buti na lang ay pinigilan ng mga mamang guard ang mga mukang sabik na sabik na fans. Ang mga SCC naman, di din papa-awat, dala-dala ko kasi ang banner na pinagawa ni Janelle at masayang-masaya silang itinataas ito habang papunta ng center stage si Sam. Ang unang kinanta ni Sam ay ang Come Everybody, masaya ito at nakakaindak. Pagkatapos ay ang Happy, kanyang inihandog ito sa mga nanay na nag-cecelebrate ng Mothers Day. At galak na galak si Sam na binati ang mga ina kasama nadin ang kanyang Mommy na si Tita Gene. At sabi nga niya “HAPPY ba kayo ngayon?”, syempre happing-happy. At di nagtagal ay ininterview muna ng pinakamagaling na DJ na si DJ Bob na aking kaibigan na din. Ano daw bang bagong kinkailangang abangan kay Sam? Ito lang naman ang pagkanta niya ng international movie themesong ng Kung Fu Panda. Isang karangalan para sa amin na ikaw ang mapili para dito. Ibinalita nadin ito sa Abs-Cbn- TV Patrol at Bandila. At ang sumunod ay ang gagawin nilang palabas sa Enchanted Kindom ng May 17 at 24 na pinamagatang “Enchanting Teens”. Kasama niya dito ang mga nakasama niya sa Highschool Musical Onstage na sina Cheska Ortega, PJ Valerio at iba pa. Guest din dito si Aria Clemente na aking hinahangaan din. Excited na ko, balak kong pumunta ng 24, P500 lang naman ang bayad, mag-rides muna kami bago kami manuod para sulit ang bayad. At para sa dalawa pang natitirang kanta, di ko malimutan ang sinabi ni Sam na gusting-gusto daw ng Samsters na kanta at yun nga ang “Wishing You’ll Be Mine”. Mahal talaga naming ang kantang ito, sana nga ito ang sumunod na single ni Sam. At ang last na kanta niya ay “Even If” na pumatok din sa pandinig ng lahat. Nakaka-aliw talaga itong si Sam, gusting-gusto siya ng lahat dahil sa charm nito.


At ang pagtatapos…


Ito na ang pagtatapos ng Album Tour, mas matagal pa ang signaturan kesa sa proper show ni Sam. Andami talagang pila. Ninais manlang sana naming makasama ang ibang SCC na magka-group picture ngunit nag-sialisan na ang lahat dahil gabi-gabi nadin. Di ko makalimutan ang mga fans na nagpapatayo pa kay Sam para magpa-pic, ayyy grabe naman sila. “Sam stand, stand”, ginawa banamang ano. Anong iniisip mo? Hehehe. At doon na nga. Akala ninyo tapos na? Sa iba tapos na pero samin dipa. Inaya kami ni Tita Gene na magdinner sa Karate Kid, mag-sama daw ako ng 5 SCC lang. Kaya napilitan na lang akong mamili dahil sa dinami-dami ng SCC. Ang mga nakasama ako ay sina Aliah, Sammae, Maththew, Jhaja at Marz.



Dinner Time…

Isang pinaka memorable para sa akin ang pagkakataong ito. Libre kain at kasama ang star sa isang table na kumakain. Nakipagkwentuhan at huntahan pa siya sa amin. Ito yon…

Gabby, Tita Gene, Sam, Reg, Marz, Madz(me), Lolo, Lola ni Sam (Table 1)

Aliah, Sammae, Kua Koy, Matthew, Jhaja with his friend (Table 2)

KK waiter: Ma’m is there anything else?

Tita Gene: Oh sure, can we have another California Maki?, Sam what you want?

Sam: Anything.

KK waiter: Ok Ma’am

Dumating na ang California Maki at yung Tempura…Wala padin yung pagkain namin. Eat… Eat… si Sam! At nang matapos ang Tempura niya ay dumating ang di naman naming inorder na pagkain. Kinain nalang namin.

Huntahan time….

Sam: Ate Madz anong year mo na?

Madz: Ah, magsecond year college na sa Lasalle.

Sam: Saan? Manila?

Madz: Hindi, dito sa Dasma, schoolmate ko si Ate Jhonie.

Sam: blah..blah.. * ito yung di ko gets na sinabi niya.

Sam: Anong course?

Madz: Nursing.

Sam: Yung kapatid mo what level na?

Madz: (Level?) Ah, mag1st year highschool nayan…

(Aliah singit....)

Aliah: Sam ikaw anong year mo na?

Sam: Wala pa.

(Napaisip kami, ang ibig niya palang sabihin, grade palang.)

Sam: Grade 10 ako sa International blah..blah

(Ang gulo talaga kausap ni Sam.)

Sam: Hindi ………………. (*di ko maalala ang sinabi niya)

(Alam naman naming kung ano yung schooling niya niloloko pa kami.)

Madz: (Ako naman ang magtatanong) Sam anong favourite Filipino dishes mo, puro ka kasi foreign foods.

Sam: Laaaaaaahatt… Ahm, sinigang?

Madz: (O sige na, lahat pala, wala siguro naisip sinabi yung sinigang)

Sam: Pati pala yung Baka na may corns…

Lolo ni Sam: Bulalo yun.

Madz: Ah! Hehehe. Yun pala.

Sam: La, ano nga yung niluluto mo?

Lola ni Sam: Bulalo.

(Tignan mo tong si Sam, parang alang narinig..hihi)

Sam: Ah yun! Bulalo saka basta yung may soup.

Madz: (Hay, ngayon ko lang talaga na-realize na incompatible kami sa lahat, ahahah! Sakin na lang yun) Ok. Thanks!

Sam: (Change topic) Ate madz, bilis ng araw no?

Madz: Oo nga. (hehe, ang tipid ko naman magsalita sabay lunok sa kinakain, sa wakes dumating nadin yung food)

Sam: Nung LBS time lang tapos ngayon…

Madz: Onga totoy kalang non.

Sam: Smile.

Madz: Ay nga pala, I know Charice.

Sam: Ah, nakakalaban mo siya?

Madz: (How did he know?) Ah yes, we’ve been a contest before.

Sam: Ano yun?

Madz: Ahhhh… Batang Kampeon.

Yon! Bigla kasing sumingit yung mga KK staffs. Adik talaga! Inubos ko nalang yung pagkain na serve nila. Madami pang nanyari… At doon na nagtatapos ang lahat! ;) I really enjoyed it.

-END-



9:13 PM | 1 comments